suicide bombers
National

Isa sa 2 umanong suicide bombers sa kampo ng militar sa Sulu, tukoy na

TUKOY na ng AFP Western Mindanao Command ang pagkakakilanlan ng isa sa dalawa umanong suicide bombers sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu.

Kinilala ni AFP WestMinCom Chief Major General Cirilito Sobejana ang umano’y suicide bomber na si Norman Lasuca, 23- taong gulang at isang Pilipino.

Batay na rin ito sa ibinigay na impormasyon ng nagpakilalang ina ni Lasuca.

Sa kwento aniya ng ina ni Lasuca, nakita niya ang larawan ng anak sa social media kaya agad nitong pinuntahan sa morgue.

Agad naman ibinigay ng militar ang labi ni Lasuca sa nagpakilala nitong ina dahil na rin sa humanitarian consideration.

Napag-alaman din na umalis sa kanilang bahay si Lasuca noong 2014.

Sa Sulu rin aniya ito ipinanganak at nag-aral ng elementarya.

Ang ikalawa umanong suicide bomber ay hinihinalang anak ng Moroccan na nagpasabog sa Basilan.

Sinabi naman ni AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo, na patuloy na iniimbestigahan kung suicide bombing ang nangyari sa Sulu pero malaki ang posibilidad na suicide bombing ito.

Tatalakayin din ng militar sa pamahalaan ang nangyari sa Sulu at posibleng epekto nito umiiral na Martial Law ang Mindanao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *