Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict
National

IRR ng Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict, nilagdaan na

NAGSAMA-sama ang mga kinatawan ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, dalawang kapulungan ng Kongreso at UNICEF para sa signing ng Implementing Rules and Regulations o IRR sa RA 11188 o Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict.

Kasama sa nakibahagi ng seremonya ang DILG, DOH, PNP, AFP at DND, at Office of the Presidential Adviser for the Peace Process.

Kasama din ang mga pribadong sektor sa pangunguna ng UNICEF, Council for the Welfare of the Children at Philippine Legislators Committee on Population and Development Foundation.

Layon ng batas ang maprotektahan ang lahat ng mga bata sa bansa lalo na sa mga lugar na talamak ang kaguluhan dulot ng digmaan.

Saan may presensya ng kaguluhan sa pagitan ng militar at mga rebeldeng grupo partikular na sa mga indigenous community o Lumads.

Kasabay nito ang pagpapaalala sa lahat ng mga front liners ng mga ahensiya ng gobyerno na gawing regular ang pagpapaalala sa mga magulang sa palagiang pagbabantay sa mga ito at sa tamang pagtrato sa mga bata sa lahat ng oras.

Epektibo ang implementasyon ng batas matapos ang 15 araw na paglathala nito na magsisimula pagkatapos ng nangyaring official signing of IRR.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas nito lamang buwan ng Pebrero.

POL MONTIBON

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *