Iranian President Hassan Rouhani
International

Iranian President Hassan Rouhani, bukas sa pakikipag-usap sa Amerika

SA huling kaganapan sa tumataas na tensyon sa pagitan ng U.S. at Iran, nagpahayag si Iranian President Hassan Rouhani na bukas ito sa pakikipagnegosasyon sa Washington.

Sinabi ni Rouhani na hindi pa sarado ang Iranian nation para sa Amerika kapag isantabi nito ang sanctions at bumalik sa pakikipagnegosasyon sa nuclear deal sa pagitan ng Tehran at world powers.

Nangyari ang pahayag ng Iranian president matapos na sumang-ayon si U.S. President Donald Trump sa interes ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na mamagitan ito sa dalawang bansa para sa posibilidad ng pag-uusap ng U.S. At Iran.

Una nang nagpahayag si Trump na bukas ito sa pakikipag-usap sa Iran ngunit nagpahayag ang huli na wala itong interes sa pakikipagkomunikasyon sa White House.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *