Kaliwa Dam
National

IPs, hindi pababayaan sakaling operational na ang Kaliwa Dam

SINISIGURO ngayon ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na hindi maisasantabi ang kapakanan ng mga Indigenous People (IPs) sa panahon na maging operational na ang Kaliwa Dam sa bayan ng Infanta sa probinsya ng Quezon.

Ginawa ng ahensya ang pahayag sa pag-arangkada ngayong araw ng pagdinig ng oversight hearing sa Kamara, hinggil sa water shortage na nararanasan sa Metro Manila at iba pang probinsya.

Tiniyak ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na hindi mapapabayaan ang suplay ng tubig ng mga katutubo doon.

Sa katunayan, binabalangkas na ngayon ang disenyong gagamitin sa pagtatayo ng Kaliwa Dam at iginiit na hindi nila itutuloy ang konstruksyon kung hindi maisasa-alang-alang ang kapakanan ng mga IPs na nakatira sa palibot nito.

Titiyakin naman ng MWSS na masusunod ang lahat ng requirements sa proyekto upang hindi naman magdusa ang mga IPs.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *