Insidente ng kahirapan
National

Insidente ng kahirapan sa bansa noong 2018 bumaba sa 16.6%

BUMABA sa 16.6% ang insidente ng kahirapan sa bansa noong 2018.

Sa press conference kaugnay sa 2018 Full Year Poverty Statistics, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 17.6 milyong Pinoy ang kinokonsiderang mahirap, mas mababa kumpara sa 23.5 milyong Pinoy noong 2015.

Ayon sa PSA, 166 mula sa 1,000 Filipinos na kasama sa mga mahihirap na pamilya ang may income na mas mababa kumpara sa halaga na kailangan sa pagbili ng kanilang basic food at non-food needs.

Sinabi naman ni NEDA Undersecretary Adoracion Navarro na ang pinakabagong poverty figures ay nagpapakita ng ‘significant progress’.

Ayon sa NEDA, nasa tamang daan ang pamahalaan para maibsan ang insidente ng kahirapan sa 14% sa taong 2022 at makamit ang sustainable development goal na maalis ang extreme poverty sa bansa.

Dagdag pa ng NEDA na nasa 5.9 milyong Pilipino ang kanilang naalis sa kahirapan hanggang noong katapusan ng 2018.

Pagbaba ng unemployment rate ng bansa, ikinatuwa ng PCOO

Ikinatuwa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagbaba ng unemployment rate ng bansa sa 4.5%t noong Oktubre mula sa 5.1% sa kaparehong buwan noong 2018.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, tagumpay ito para sa Administrasyong Duterte at ng mga Filipino dahil ito aniya ang pinakamababang naitala simula 2005.

Ani Andanar, sumasalamin ang resulta sa kanilang pangako na gumawa ng mga hakbang sa pamamagitan ng key programs ng Dutertenomics para maibsan at mabawasan ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy sa buong bansa.

Sinabi ng PCOO Secretary na pinalawak nila ang kanilang employment gains sa lahat ng major sector lalo na sa agriculture at services sa kabila ng mga hamon sa climate changes at banta na hatid ng kumalat na animal diseases.

Tiniyak naman ng PCOO na patuloy ang kanilang pag-adopt sa socio-economic policies and reforms para palawakin ang pagtaas ng economic output ng bansa para mapabuti ang kalidad ng trabaho, employment rate at kapakanan ng mga Filipino sa kabila ng global economic uncertainties.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *