pinsala sa agrikultura
National

Iniwang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Marilyn, umabot sa mahigit P12-M

UMABOT sa mahigit P12 milyon ang halaga ng iniwang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Marilyn.

Sa datos ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operation Center (DA-DRRMO) hanggang kahapon, araw ng Lunes, Setyembre 16, pumalo na sa P12.12 million ang halaga ng initial damage sa agricultural products ng bagyo.

Naitala ito sa mga lalawigan ng ang Central Luzon kabilang ang probinsya ng Tarlac, Zambales at Pampanga.

Tinatayang may lawak na 282 hectars ng taniman ng palay ang nasalanta dahil sa matinding pag-ulan na katumbas ng 704 metric tons na mga pananim.

Inaasahang tataas pa ang naturang datos habang patuloy ang monitoring ng ahensya sa iniwang pinsala ng bagyo.

Nakahanda naman ng DA na nakahanda na ang buffer stock seeds na ipamamahagi sa mg apektadong magsasaka oras na matapos ang validation.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *