Lungsod ng Maynila
Metro

Infra projects sa Lungsod ng Maynila, isusulong ng DOTr

HANDANG makipagdayalogo ang mga kinatawan ng transportation agency ng bansa sa mga opisyal ng Lungsod ng Maynila.

Itoy matapos ang ginawang courtesy visit ni Transportation Sec. Art Tugade sa opisina ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Ito’y upang bigyang tugon ang usapin ng transportasyon sa lungsod at iba pang may katungkulan sa pagpapalago ng ekonomiya sa ilalim ng isusulong na infra projects.

Dahil dito, personal na nagpasalamat si Mayor Isko sa mga ahensiya ng bansa na patuloy na nakikipag-ugnayan sa kaniyang lungsod sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Sa panig ng DOTr, sinabi ni Sec. Tugade na handa ang kaniyang opisina at attached agencies na makipagtulungan sa lungsod bilang pakikiisa sa sinasabing bagong political will.

Bagama’t aminado mismo ang administrasyon sa kakulangan ng pondo, pero anila ito hadlang para isulong ang mga programa na para sa mamamayan ng Maynila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *