Inflation rate sa bansa, tumaas sa 3.3% noong Nobyembre

Inflation rate sa bansa, tumaas sa 3.3% noong Nobyembre

NASA 3.3 percent ang headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong Nobyembre.

Ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa, ito ang pinakamataas na inflation na naitala sa bansa mula noong Abril 2019.

Mas mataas din ito sa 2.5 percent noong Oktubre at sa 1.3 percent noong Nobyembre 2019.

Sinabi ni Mapa na ang pangunahing dahilan ng pag-angat ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na may inflation na 4.3 percent at 51.7 percent share sa pangkalahatang inflation.

Ito aniya ay dahil sa pagtaas ng presyo ng gulay, gaya ng sibuyas at kamatis, sa antas na 14.6 percent, mula sa -0.5 percent inflation noong Oktubre 2020.

Ang presyo ng isda, gaya ng galunggong, ay tumaas din sa bilis na 5.3 percent, mula sa 3.7 percent inflation noong Oktubre 2020.

Nakapag-ambag din sa pagtaas ng November inflation ang mas mabilis na pag-angat ng presyo ng alcoholic beverages and tobacco.

Sinabi ni Mapa na ang year-to-date average inflation para sa taong 2020 ay bahagyang umangat sa antas na 2.6 percent.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *