ngayong Mayo 2019
Business National

Inflation rate, pumalo sa 3.2% ngayong Mayo 2019

BUMILIS sa 3.2 percent ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong Mayo 2019.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mataas ito kumpara sa 3.0 percent inflation noong Abril subalit mababa sa year-on-year inflation na 4.6 percent noong Mayo 2018.

Kabilang sa tatlong pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang food and non-alcoholic beverages; and housing, water, electricity, gas, and other fuels.

Ito ang unang beses na tumaas ang inflation kasunod ng anim na sunod na buwan na mabagal ang inflation.

Pasok pa rin ito sa target range na 2 to 4 percent ng pamahalaan.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *