Inflation rate noong Abril
Business National

Inflation rate noong Abril, pinakamababa mula Disyembre 2017

BUMABA pa sa 3 percent ang inflation rate noong Abril sa bansa .

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang ika-anim na sunod na buwan ng mababang inflation rate sa bansa.

Mababa rin ito sa 3.3 percent inflation noong Marso at 4.5 percent noong Abril 2017.

Kabilang sa tatlong pangunahing contributors sa overall inflation ay pagkain at non- non-alcoholic beverages; pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang produktong petrolyo maging ang restaurant at miscellaneous goods at services.

Ilan sa items na malaki ang kontribusyon sa pagbaba ng inflation noong nakaraang buwan ay palay, mais, harina, tinapay at iba pang cereals.

Ang April inflation rate ay ang pinakamababa, simula nang maitala ang 2.9 percent noong disyembre 2017.

Pasok din ito sa target na 2.7 hanggang 3.5 percent ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong Abril maging sa target ng pamahalaan na 2 to 4 percent para sa 2019.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *