inflation rate
National

Inflation rate nakaraang Setyembre, nasa 6.7%

MAS tumaas pa ang naitalang inflation rate o yung bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong buwan ng Setyembre.

Mula sa 6.4 noong buwan ng Agosto, pumalo ito sa 6.7 percent batay sa huling datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Ito naman ang pinakamataas na naitalang inflation rate sa loob ng nakalipas na siyam na taon.

Ayon kay PSA Chief Lisa Grace Bersales, pinakamalaking naka-ambag sa pagtaas ng inflation ang food and non-alcoholic beverages.

Kabilang din ang pabahay, tubig, kuryente, oil products; at transportasyon.

Pinakamalaki naman ang itinaas na inflation sa mga ito ang food and non-alcoholic beverages na umabot sa 1.5 percent ang itinaas.

Samantala, pasok naman ito sa tinatayang 6.3 to 7.1 percent range ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa buwan ng Setyembre.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *