Indian COVID-19 variant, itinuturing na variant of global concern ng WHO

Indian COVID-19 variant, itinuturing na variant of global concern ng WHO

ITINUTURING na ngayon ng World Health Organization (WHO) bilang variant of global concern ang Indian variant ng COVID-19.

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso na naitatala sa bansang India.

Ayon kay Dr. Maria van Kerkhove, technical lead for COVID-19 ng WHO, ipinapakita rin sa preliminary studies na mas madali ring kumalat ang naturang variant.

Ang B.1.617 ang ikaapat na variant ng COVID-19 na kinilala bilang global concern at nangangailangan ng mas maiging tracking at analysis.

Saad ng WHO, unang natuklasan ang predominant lineage ng naturang variant sa India noong Disyembre ng nakaraang taon, kahit ang unang bersyon nito ay nakita na noong Oktubre 2020.

Sa kasalukuyan, 21 bansa na ang may B.1.617 variant kabilang na ang United Kingdom, United States, at Singapore.

Maraming bansa na rin ang nag-implementa ng travel ban sa India kasama na ang Pilipinas.

Nitong Biyernes lang, pinalawig pa ng pamahalaan ang travel ban sa Bangladesh, Sri Lanka, Pakistan at Nepal.

(BASAHIN: Travel ban sa apat na bansa sa Asya, sisimulan sa Mayo 7)

Marami pang impormasyon patungkol sa India variant at tatlong sub-lineages nito ayon kay Van Kerkhove ang maaaring maging available sa Martes.

Samantala, batay sa huling tala ng Worldometers, pumalo na sa halos 23 milyon ang kaso ng COVID-19 sa India kung saan 250,025 dito ang nasawi.

(BASAHIN: COVID-19 case surge sa India, dapat maging leksyon sa Pilipinas —PACQ)

 SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *