India, naghanda para sa lockdown dulot ng mataas na kaso ng COVID-19

India, naghanda para sa lockdown dulot ng mataas na kaso ng COVID-19

ANG mga bagong impeksyon sa coronavirus ng India ay umabot sa mahigit 100,000 noong Miyerkules.

Ang bansa ay nag-ulat ng 184,372 na mga kaso sa huling 24 na oras, ipinakita ang datos ng ministeryo sa kalusugan, na nasa kabuuang impeksyon na 13.9 milyon, tumaas ng 1,027, sa kabuuang 172,085.

Sa hindi bababa sa 10,000 na kaso sa bawat araw, ang India ay ang pinakamalala sa pagresponde ng COVID-19 sa buong mundo mula noong Abril 2.

Sinisisi ng gobyerno ang bigong pagmonitor sa galaw at social interaction ng mga tao.

Ang Maharashtra, isa sa mayamang estado sa India bagama’t epicenter ng second wave ng bansa, ay sisimulan ang lockdown ng kalahating gabi sa local na oras hanggang matapos ang buwan ng Abril.

Noong Miyerkules, ang komersyal na kabisera ng India, ang Mumbai ay napuno ng mamimili, para sa paghahanda bago mag-lockdown.

Mumbai,India,/photo:REUTERS
Mumbai,India,/photo:REUTERS

Isa sa dahilan rin ay ang kakulangan na ng mga oxygen sa mga pribadong hospital kaya hindi na tumatanggap pa ng panibagong pasyente at pinapadala na lamang sa pampublikong hospital.

Ang estado ng Chhattisgarh – isa sa maraming rehiyon ng hinterland na nakikipaglaban sa nagpapatuloy na pagtaas ng mga kaso ay nagtayo ng isang pansamantalang 370 na mga kama na may kasamang oxygen sa loob ng stadium.

“The way COVID-19 cases are rising and people are getting hypoxia or low level of oxygen in the blood, there is a shortage of oxygen supply,” ayon kay Avinash Chaturvedi, doctor ng pasilidad.

COVID-19 facility,Mumbai,India, April 13,2021/photo:REUTERS
COVID-19 facility,Mumbai,India, April 13,2021/photo:REUTERS

Ngunit sa kabila nito, libu-libong debotong Hindus ang nag tipon-tipon sa Ganges river ng Uttarakhand state para sa nakaugaliang ‘pitcher festival’ noong April 13, 2021.

Mumbai,India/photo:REUTERS
Mumbai,India/photo:REUTERS

Ayon kay Sanjay Gunjya, inspector ng general police sa naturang festival ay mahigit 650,000 katao ang dumalo rito.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *