Independent experts, pinaalalahanan na mag-ingat sa pagpapahayag sa COVID-19 situation ng bansa

Independent experts, pinaalalahanan na mag-ingat sa pagpapahayag sa COVID-19 situation ng bansa

HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang independent experts na mas maging maingat sa kanilang pahayag patungkol sa sitwasyon ng bansa sa gitna ng pandemya.

Sinabi ng DOH na pinapahalagahan nila ang mga gawain ng mga independent expert ngunit umaapela ang ahensiya na maging maingat ang mga ito sa pagpahayag ng COVID-19 situation ng Pilipinas upang hindi magdulot ng panic at takot sa publiko.

“DOH values the work of independent experts but appealed to them to be more careful in making pronouncements in terms of the national situation, as this may cause more panic and fear,” pahayag ng DOH.

Hindi naman binanggit ng Health department kung sino ang tinutukoy nito na grupo.

Ngunit ang naturang pahayag ay inilabas matapos sinabi ng OCTA Reasearch Group kahapon na nakakaranas na ng COVID-19 surge ang National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagka-detect ng Delta variant.

Iminungkahi rin ng OCTA na dapat magpatupad kaagad ng dalawang linggong lockdown ang pamahalaan para maagapan ang pagkalat pa ng naturang mas nakakahawang variant.

Ayon sa DOH naoobserbahan nila ang pagtaas na trend ng COVID-19 cases sa Metro Manila ngunit wala pang tiyak na katibayan na mayroon ng panibagong surge sa rehiyon.

“While there is an observed increase in cases, there is no definitive evidence of a surge in the National Capital Region,” ayon sa DOH.

Saad ng DOH base sa kasalukuyang data analysis ng Epidemiology Bureau ng DOH at FASSSTER, nasa moderate-risk ang NCR.

Nasa 19% ang itinaas ng two-week growth rate o TWGR nito at may average daily attack rate na 6 cases per 100,000 population.

May positive TWGR ang Makati, Las Piñas, Pasay, Pasig, Taguig, Paranaque, Manila, Valenzuela, Navotas, and Marikina, at Caloocan.

May high-risk ADAR naman ang  Makati, Las Piñas, at Pasay.

Sinabi ng DOH mahigpit nilang minomonitor ang araw na araw na trend ng mga kaso at tinutukoy kaagad ang mga lugar na may mataas na transmission rate.

Pagdating naman sa health care capacity ng bansa saad ng Health department mababa ang utilization rate ng health care at intensive care unit. Minomonitor rin ng DOH ang nakabinbin na emergency room admissions.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kinikilala nila na magkaiba ang ginagamit na metrics o sukatan at pamamaraan ng analysis ng kagawaran at ng independent experts, ngunit pareho lang ang kanilang layunin na mapababa at mapabuti ang healthcare system ng bansa.

“While we acknowledge the differences in the metrics and methods of analysis used by these independent groups, we share the same goal to keep the case numbers down and improve the healthcare system of the country,” saad ng ahensiya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *