Incheon Airport ng South Korea, bumaba ang pang-araw araw na bilang ng pasahero

Incheon Airport ng South Korea, bumaba ang pang-araw araw na bilang ng pasahero

BUMABA pa sa 10,000 ang bilang ng pang-araw araw na pasahero sa Incheon International Airport ng South Korea.

Noong buwan ng Setyembre bumaba ito dahil mas kaunti ang mga nagbibiyahe sa panahon ng Chuseok holiday.

Nasa pang-araw araw na bilang ng average 9,538 na mga pasahero ang gumamit ng Incheon International Airport noong nakaraang buwan, kumpara sa pang-araw araw na average na 10,927 na mga pasahero noong Agosto, kung saan ito ang unang pagkakataon na lumampas sa sampung libo ang bilang mula noong Marso ng nakaraang taon.

Ang pagbaba ay tila bahagyang maiuugnay sa pagbawas sa bilang ng mga tao na naglalakbay sa panahon ng Chuseok holiday mula Setyembre 20 hanggang 22.

Samantala sa panahon ng holiday, ang average na bilang ng mga pasahero na gumagamit ng airport ay nanatili sa anim na libo.

Gayunpaman, ang average na bilang sa buwan ng Setyembre ay mas mataas ng 46% kumpara noong nakaraang taon.

Ang pang-araw araw na trapiko ng pasahero sa paliparan ay halos dalawandaang libo noong 2019, ngunit bumulusok ito noong nakaraang taon dahil sa mga paghihigpit sa pagbibiyahe na dulot ng pandemya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *