Sports

Ina ng NBA Star na si Karl-Anthony Towns, kasalukuyang comatose dahil sa COVID-19

KINUMPIRMA ng NBA Star na si Karl-Anthony Towns na kasalukyang medically induced coma ang kanyang ina matapos itong magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ibinahagi ng manlalaro ng Minnesota Timberwolves ang paghihirap ng kanyang nanay sa kanyang emosyonal na instagram post.

Ani towns, araw-araw na lumalala ang kondisyon nito at kinailangan na itong lagyan ng ventilator matapos itong mahirapang huminga.

Siniguro naman ng manlalaro na malakas ang kanyang ina at alam niyang gagaling ito sa sakit.

Pinaalalahanan naman ni Towns ang lahat na mag-ingat upang maiwasan ang transmision ng virus.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng Minnesota Timberwolves Center na magdo-donate ito ng $100,000 sa isang Minnesota-based Mayo Clinic para sa COVID-19 testing.

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close