paggamit ng vape
Health National

Importasyon at paggamit ng vape, ipagbabawal ni Pangulong Duterte

IPAGBABAWAL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang importasyon at paggamit ng vape o e-cigarette products.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa isang press briefing kagabi sa Malakanyang.

Ayon sa pangulo, inaatasan niya ang mga otoridad na arestuhin ang mga gagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Binigyang diin ng pangulo na ang vape ay nagtataglay ng hindi pa alam kung anong klaseng kemikal na nakamamatay.

Ito ang naging hakbang ng pangulo matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang pagkakamatay ng isang babae matapos na gumamit ng e-cigarettes o vape sa Central Visayas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *