nilagdaan na
National

Implementing Rules and Regulations ng Universal Health Care Act, nilagdaan na ng DOH

NILAGDAAN na ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque ang Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Healthcare Law.

Kasama ni Duque sa ceremonial signing ng IRR si Philhealth President Ricardo Morales at ang proponents ng batas at mga miyembro ng technical working group.

Sa press release ng DOH, sinabi nito na ang IRR ay magbibigay-daan sa implementasyon ng UHC Law para matiyak ang holistic health care sa bawat Pilipino.

 

Sa ilalim ng UHC Law, ang lahat ng Pilipino ay otomatikong magiging miyembro ng Philhealth bilang direct o indirect contributors at magiging eligible sa no balance billing kapag na-admit sa basic o ward accomodations ng hospital.

Tiniyak din dito ang availability ng basic ward accomodation ng lahat ng pasilidad kung saan may basic private bed ratios na 90:10 para sa public health facilities, 70:30 para sa public specialty health facilities at minimum na 10:90 para sa private health facilities.

Sa kabila naman ng pagpasa sa UHC Law, pinaalalahan ni Duque ang publiko na dapat maging responsable pa rin sa kanilang mga kalusugan.

Matatandaang pebrero 20, 2019 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang UNC Law.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *