Implementation ng cashless toll collections sa toll roads, iniurong sa Disyembre 1

Implementation ng cashless toll collections sa toll roads, iniurong sa Disyembre 1

INIURONG ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng mandatory implementation ng cashless toll collections sa mga toll road.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na sa halip na sa Nobyembre 2 ay ipatutupad na ito sa Disyembre 1 bilang tugon sa panawagan ng mga motorista na hindi pa rin nakakapaglagay ng RFID stickers sa kanilang sasakyan.

Ayon kay Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales, pinayagan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang extension upang bigyan ang mga motorista ng maraming oras na maglagay ng RFIDs.

Ito ay para rin aniya maiwasan ang mahabang pilang nararanasan sa mga toll road dahil sa mga motorista na kumukuha ng RFID stickers.

Nilinaw naman ni Sales na wala nang magiging extension pagkalagpas ng Disyembre 1.

Matatandaang sa ilalim ng Department Order 2020-012, ipinag-utos ng DOTr ang full implementation ng cashless toll collections sa mga expressways at major toll roads upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at maiwasan ang traffic congestion sa toll plazas.

Ang motorista na mabibigong sumunod ay huhulihin at iisyuhan ng citation ticket.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *