National ID System
Regional

Pilot testing ng National ID System, iminungkahi na gawin sa San Jose del Monte Bulacan

PERSONAL na iminungkahi ni San Jose del Monte Bulacan Lone District Congresswoman Florida Robes sa pamunuan ng Department of Interior and Local Government o DILG na gawin sa kanilang lungsod ang pilot testing at ang kasalukyang implementasyon ng National ID System.

Itoy matapos na umakyat sa halos isang milyon ang populasyon ng lungsod kung saan karamihan dito ay hindi mismong taga lungsod o lehitimong mga residente sa lugar.

Matatandaang halos naging regular na relocation area ang lungsod at iba pang bahagi ng probinsiya mula sa mga demolisyon na ginagawa sa kalakhang Maynila nitong mga nakaraang administrasyon.

Reklamo ng mambabatas, bigo sila na tukuyin ang sarili nilang mamamayan na sanay makikinabang sa kanilang serbisyo bagama’t hindi naman nila ipinagdadamot ang kanilang tulong.

Kaya naman, personal na rin na nakiusap si Robes sa ilang Metro mayors na tulungan sila sa pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng demolisyon sa Kalakhang Maynila.

Sa ngayon nasa halos isang milyon na ang kanilang populasyon kung saan nasa mahigit 200, 000 lang dito ang nakakaboto o katumbas ng 20% mula sa nasabing bilang ng populasyon.

Ayon sa batas, nasa 10,000 Pilipino ang target ng gobyerno na mairehistro sa pilot testing ng National Identification System.

Target naman aniya sa taong 2020 na mairehistro ang 50-M Pinoy habang ang dagdag na 50-M pa sa taong 2021 kasama ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *