National

Imbestigasyon sa nangyaring misencounter sa Sulu, pinabibilisan

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na pabilisin ang ginagawang imbestigasyon kaugnay ng naganap na misencounter sa Jolo, Sulu sa pagitan ng mga pulis at tropang militar kung saan apat na sundalo ang napatay.

 

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kung saan sa isinagawa nilang pagpupulong kasama ang mga myembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ilang cabinet members nitong Martes ay talaga aniyang labis na nalungkot at nanlambot ang Presidente sa nangyaring insidente.

 

Dagdag pa ni Roque, hiningi ni Pangulong Duterte kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año na nais niyang  makausap ang mga pulis na diumano’y nagpaputok doon sa apat na army personnel kasama ang isang major.

 

Pero ayon sa tagapagsalita, hindi naman inilahad ng Punong-ehekutibo kung kailan at saan gaganapin ang pagpupulong.

 

Binanggit pa ni Roque na gusto ni Pangulong Duterte na pumunta mismo doon sa lugar kung saan nangyari ang insidente at iginiit ng presidente na hindi dapat nagpapatayan at nag-i-engkuwentro ang parehong ideolohiya.

 

Umaasa naman ang Pangulo na ito na ang huling misencounter sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang termino.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close