kaso ng ninja cops
National

Imbestigasyon sa kaso ng ninja cops, may cover up –General Triambulo

DUDA si Philippine National Police (PNP) Inspector General Alfegar Triambulo na nagkaroon ng “whitewash” o cover up sa imbestigasyon sa kaso ng ninja cops o 13 pulis na sangkot sa maanomalyang Pampanga drug raid noong 2013.

Ito ay matapos mabatid na nagkulang sa mga ebidensya ang PNP-Internal Affairs Service kaya naging mahina ang administrative cases na isinampa sa mga tinaguriang ninja cops.

Dahil dito, sinabi ni Triambulo na magsasampa ng bagong kaso ang PNP laban sa mga sangkot na pulis.

Ayon kay Triambulo, kabilang sa mga isasampa ay kasong grabe misconduct, violations of law at irregularity in the performance of duty.

Aniya, ibabatay nila ang ebidensya sa testimonial evidence at pag-amin ng mga testigo sa isinagawang pagdinig ng Senado.

Hindi naman magiging sakop sa imbestigasyon at masasampahan ng kasong administratibo si resigned PNP Chief Oscar Albayalde dahil National Police Commission umano ang nakakasakop rito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *