Imbestigasyon ng Task Force sa mga katiwalian sa PhilHealth, hindi pa tapos

Imbestigasyon ng Task Force sa mga katiwalian sa PhilHealth, hindi pa tapos

HINDI pa tapos ang imbestigasyon ng Task Force sa lahat ng katiwalian sa PhilHealth kung kaya’t hindi pa naisali ang kaso ng legal sector.

Inihayag ito ni Department of Justice (DOJ) Sec. Markk Perete sa panayam ng SMNI News.

“‘Yan po ‘yong sa legal sector, hindi po talaga natapos ‘yong investigation diyan. In fact, ang natapos lamang po natin doon sa ating report na isinubmit sa pangulo ay patungkol doon sa procurement ng IT equipment, as well as ‘yong sa revenues ng IRM.”

—Department of Justice Sec. Markk Perete

Dahil dito, hindi pa malaman ng DOJ kung ano ang kaukulang kaso ang ipapataw sa legal sector ng PhilHealth kaya hindi pa nasama sa inirekomendang kakasuhan.

Nilinaw din ni DOJ USec. Perete na hindi pa sapat ang ebidensya laban kay Department of Health Sec. Franciso Duque patungkol sa negligence of duty kung kaya’t hindi rin ito nasama ng Task Force sa listahan ng mga kakasuhan.

Sa kabila nito, naghahanap pa ng karagdagang ebidensya ang Task Force PhilHealth tungkol sa isyu.

Samantala, inihahanda na ng Department of Justice ang mga kaso at supporting documents na ihahabla laban kay Philippine Health Insurance Corp. Chief Executive Officer Ricardo Morales at sa iba pang mga opisyal nito.

Ito ang inihayag ni DOJ Undersecretary Markk Perete sa panayam ng SMNI News.

“Ngayon naman po ang DOJ ay nagpi-prepare na para sa filing. So, ‘yong complaint pina-finalize na natin at ‘yong mga supporting document and evidence, gayundin pini-prepare na ng departamento.”

—Department of Justice Sec. Markk Perete

Samantala, ayon kay Usec. Perete, ihahabla ang kaso sa iba’t ibang korte depende sa klase ng reklamo at sa respondent.

Ngunit, ani Perete, karamihan sa mga kaso ay ihahabla sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga ihahabla na kaso ay ang paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Revised Penal Code on Malversation and Illegal Use of Public Funds, at frauds.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *