imbestigasyon
National

Imbestigasyon ng NBI sa P6.8B drugs, pinabibilisan ng DOJ

PINABIBILISAN ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation ang resulta ng imbestigasyon sa P6.8 billion ng shabu.

Nasamsam ito at nakasilid sa magnetic lifters sa Bureau of Customs.

Nais ni Justice Sec. Merardo Guevarra na malaman kung may kaugnay ito sa mga kaparehong magnetic lifter na walang laman na narekober sa GMA, Cavite.

Sinabi ni Guevarra na ito ang paraan para humupa na ang hidwaan.

Sa pagitan ng ilang opisyal sa BOC at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kamakailan ay nagtuturuan ang mga opisyal ng BOC at PDEA sa pagkakalusot ng mga kargamento sa bansa.

Isinisisi ng BOC official na si Atty. Maria Lourdes Mangaoang kay BOC Commissioner Isidro Lapeña ang naglipa nailigal na droga sa bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *