Imbestigasyon ng Kamara sa COVID-19 procurement, hindi paghahanap ng away sa Senado

Imbestigasyon ng Kamara sa COVID-19 procurement, hindi paghahanap ng away sa Senado

NILINAW ng Kamara na paghahanap ng katotohanan at hindi paghahanap ng away sa Senado ang pakay ng kanilang imbestigasyon sa COVID-19 procurement ng pamahalaan.

Ito’y matapos magkaroon iringan ang ilang senador at kongresista.

Nagkapatutsadahan kamakailan sila Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Nabanggit ni Gordon na si Marcoleta ang demolition expert kontra ABS-CBN.

Sinagot naman ito ni Marcoleta na iba ang ABS-CBN issue sa Commission on Audit (COA) report ng Department of Health (DOH) na siyang subject ng imbestigasyon ng komite ni Gordon.

Sa mga hindi nakakaalam, magkumpareng buo ang dalawa subalit nagkairingan matapos sitahin ni Marcoleta ang istilo ng imbestigasyon sa Senado sa DOH.

Paliwanag ni Marcoleta, ang kahalintulad na imbestigasyon ng Kamara ay ginawa para sa paghahanap ng katotohanan.

Di tulad sa Senado na may iba umanong agenda.

“Napansin nyo naman siguro ang pagkakaiba sa uri at tsaka pagtatanong na ginagawa ng dalawang kapulungan ng Kongreso,” pahayag ni Marcoleta.

“Sa amin naman ang kaibahan ‘yong pagbibigay namin sa kanila ng kaukulang panahon para maipaliwanag nila ‘yong inaakala ng marami na ma-anomalyang pangyayari una sa pagkaka-transfer ng pondo ng DOH sa PS-DBM,” dagdag ni Marcoleta.

Diin ni Marcoleta na unti-unting naliwanagan sa ginawang pagdinig sa Kamara na walang korupsiyon sa procurement ng DOH.

“Noong una gusto naming mapagpasyahan kung may determination ng corruption, ng overpricing at saka ng ghost delivery. Ito’y isa-isang naipaliliwanag at sa tingin namin tama ang sinabi ng COA na hindi naman corruption ang pinag-uusapan namin nung i-flag namin ‘yan kundi deficiency lamang dun sa dokumento na nire-require namin sa pagkaka-transfer ng pera,” ani Marcoleta.

Samantala, dinepensahan naman ni Marcoleta ang alegasyon na pinagtatakpan ng Kamara ang mga isyu ng korupsiyon ilang gabinete ng adminsitrasyon.

“Ang aming ginagawa ay pantulong lamang para malaman natin talaga kung ano ang totoo, maserbisyuhan natin ang ating taumbayan na makaunawa talaga sapagkat sila man ay interesado sapagkat pera ng bayan ang pinag-uusapan,” saad ni Marcoleta.

“Sa amin naman ang kaibahan ‘yong pagbibigay namin sa kanila ng kaukulang panahon para maipaliwanag nila ‘yong inaakala ng marami na ma-anomalyang pangyayari una sa pagkaka-transfer ng pondo ng DOH sa PS-DBM,” dagdag ng mambabatas.

Nauna nang sinabi ng COA na walang korupisyon sa mga transaksyon na pinasok ang DOH ngayong panahon ng pandemya.

BASAHIN: Imbestigasyon ng Senado sa DOH, pamumulitika lang– Pangulong Duterte

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *