Ilocos Norte, namigay ng biik sa hog raisers na apektado ng ASF

Ilocos Norte, namigay ng biik sa hog raisers na apektado ng ASF

NAMIMIGAY ng mga biik at manok ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte sa ilang mga benepisyaryo mula sa bayan ng Sarrat, Piddig, Carasi at Vintar.

Ito’y bilang suporta sa mga nawalan ng negosyo nang nananalasa ang African Swine Fever o ASF.

Limampung benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-iisang biik habang 186 naman ang nakatanggap ng sampung dumalagang manok at isang cockerel.

Para naman mapanatili ang supply ng biik sa naturang proyekto ng isang taon, ang bawat benepisyaryo ay magbibigay ng dalawang biik sa lokal na pamahalaan matapos ang dalawang taon.

Sa loob din ng tatlo hanggang apat na buwan ay garantisado naman sa mga benepisyaryo na magkakaroon ito ng kita mula sa kanilang mga baboy dahil sa malaking demand ng longganisa at bagnet.

Samantala, imomonitor ang mga biik na ipinamigay sa pamamagitan ng pagbabakuna nito at pagbibigay ng bitamina para makaiwas sa ASF.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *