TNVS operators
Business Metro

Ilang TNVS operators, nagsagawa ng noise barrage

PATULOY pa ring ipaglalaban ng TNVS operators ang kanilang kahilingan sakali mang hindi ito mapagbigyan ng LTFRB.

Ito ang naging pahayag ni Eric Fernandez, presidente ng TNVR sa panayam ng Sonshine Radio Manila at Sonshine News Channel habang nagsasagawa ang kanilang grupo ng noise barrage sa harap ng Batasang Pambansa.

Ito ay para manawagan sa mga mambabatas na gumawa ng batas na tutugon sa kanilang kahilingan.

Magugunita na sa pakikipagdayalogo ng mga TNVS operator sa mga opisyal ng LTFRB ay nadismaya ang mga ito matapos na walang mabuong kasunduan.

Dagdag pa ni Fernandez na posibleng makipag-alyansa ang mga TNVS operator sa iba pang transport group kung hindi papayagan ng LTFRB ang mga hatchback car na makapag-operate sa Grab at sa iba pang mga transport network vehicles.

Sa kabila nito, positibo naman si Fernandez na pagbibigyan ng LTFRB ang kanilang hinaing.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *