Ilang senador, tiniyak na mapopondohan ang P70-B budget para sa COVID vaccine

Ilang senador, tiniyak na mapopondohan ang P70-B budget para sa COVID vaccine

TINIYAK ni Sen. Sonny Angara na kayang mapondohan ng gobyerno ang P72.5 B na inilaan para sa COVID-19 vaccine batay sa niratipakan na 2021 National Budget ng Senado.

Sa pondong inaprubahan ng Kongreso para sa bakuna ay P2.5 Billon ay kukunin sa regular na pondo ng Department of Health samantalang ang nasa P70-B ay naka-identify bilang unprogrammed funds.

Una ng sinabi ni Sen. Imee Marcos na malabong mapondohan ito lalo pat hindi naman kalakihan ang nakukuhang tax ngayon ng gobyerno dahil sa umiiral na krisis.

Pero Ayon kay Angara, hindi naman nakadepende ang pondo mula sa tax collection kundi sa mga non-tax collection na madali lang naman aniyang makuha.

Naniniwala din si Angara, na sapat ang funding para mapabakunahan ang 60 percent na populasyon ng bansa sa ilang Proposed 2021 National Budget.

Sa ilalim naman aniya ng Bayanihan to Recover as One Act ay may nakalaan na P10-B para sa bakuna.

Matatandaan na sinabi ni Finance Sec. Carlos Domingues III na nasa P73-Billion ang kakailanganin para mapabakunahan ang 60 million Filipinos.

Sinabi naman ni Sen. Christopher Bong Go na close aide ng Pangulo na nakahandang gawin ng Presidente ang lahat ng paraan para mapondohan ang P70-B na unprogrammed funds para sa COVID-19 vaccine.

“Si Vaccine Czar Carlito Galvez JR.  ay kasuluyan ng gumagawa ng hakbang para makasecure ng 60 Million doses ng bakuna mula sa Pfizer, Sinuvac at Astra Zeneca,” pahayag ni Go.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *