Ilang senador, pabor na ipaubaya sa LGU ang pagkaroon ng academic break

Ilang senador, pabor na ipaubaya sa LGU ang pagkaroon ng academic break

PABOR si Senador Sherwin Gatchalian, ang chair ng Senate Committee on Basic Education na magkaroon ng Luzon-wide academic break matapos ang nagdaang kalamidad sa ilang bahagi ng Luzon pero hindi sa panawagang magkaroon ng nationwide academic freeze.

Ayon kay Gatchalian, ang pagdedesisyon para sa pagsuspend ng klase ay dapat aniya ang mga local government unit o LGU na tinamaan ng kalamidad ang gumawa nito batay sa kanilang assessment sa impact ng pinsala ng bagyo sa mga guro at mag aaral.

Pero babala ni Gatchalian na ang pinahaba o matagal na  academic break ay makakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral at maari pa aniyang malantad ang mga bata sa violence, child labor at teenage pregnancies.

Ito aniya ay minsan ng nagyari pagkatapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong taong 2013.

“That is why despite all the colossal challenges, we strive to make education continue. I do not see how an academic freeze will help in our aspiration to continue education and mitigate risks associated with prolonged school closures,” pahayag ni Gatchalian.

Gaya ni Sen. Gatchalian, ipinauubaya din ni Senador Christopher Bong Go sa mga LGU ang pagpapasya sa mga panukalang magkaroon ng  academic break ang mga mag-aaral dahil sa nagdaang  kalamidad.

Sinabi ni Go na wala namang face to face learning kaya mas mabuting ang mga LGUs na ang magpasya dahil nakikita nila ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan tulad ng ginawa ni Marikina City at iba pang binahang  lugar.

Matatandaang isinuspend ng Marikina ang klase sa lahat ng antas ng pag aaral mula Nov. 16 hanggang Dec. 16 dahil sa lawak ng pinsala ng Bagyong Ulysses.

Giit ni Go hindi dapat ipatupad ang academic break sa mga lugar na hindi sinalanta ng bagyo dahil masasayang lang aniya ang panahon ng mga estudyante.

Una namang pinayagan ng DepEd ang LGU na magsuspend ng klase ng distance learning base sa kanilang assessment.

Ang mga school division superintendent ay maaari ding magrekomenda ng localized suspension.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *