Ilang political clans
National

Ilang political clans, natapos na ang pamumuno

NATAPOS na ang pamumuno ng ilang political clans habang ang iba ay namamayagpag pa rin matapos ang midterm elections kahapon.

Nawakasan ang makapangyarihang Ejercito-Estrada clan na limang dekadang kumontrol sa San Juan City.

Ito’y matapos talunin ni PDP-Laban candidate Francis Zamora si Janella Ejercito Estrada, anak ni Senatorial candidate Jinggoy  sa pagka-alkalde sa lungsod.

Naging mayor ng San Juan ang mga kaanak ni Janella, simula sa kanyang lolo na si dating President Joseph Estrada.

Bigo rin si Erap na manalo para sana sa kanyang huling termino bilang Manila City mayor matapos siyang talunin ni dating Vice Mayor Isko Moreno.

Natalo rin ang anak ni E.R. Ejercito na si John Paul sa pagka-alkalde sa Pagsanjan, Laguna.

Habang nanganganib na hindi makapasok sa Magic 12 sa senatorial race ang magkapatid na JV at Jinggoy batay sa mahigit 94 percent ng election returns ng clustered precincts.

Napanatili naman ng ilang political clans sa bansa ang kanilang kapangyarihan matapos manalo ang tatlong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte, Baste na nagwagi naman bilang vice mayor ng Davao City at Paolo Duterte na nanalo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Davao City.

Bagaman hindi pa lahat naipo-proklamang panalo ang mga kandidato sa kanilang pamilya ay napanatili pa rin ng Cayetano clan ang kontrol sa Taguig gayundin ang Pamilya Malapitan sa lungsod ng Caloocan.

Ilan naman sa senatorial candidates na may tsansang manalo sa midterm elections ay nagmula sa political dynasties.

Gaya ni Aquilino Pimentel III, Cynthia Villar, Lito Lapid, Pia Cayetano, Sonny Angara, Bong Revilla, Nancy Binay at Imelda Marcos.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *