malaking investment scam
National

Ilang opisyal ng isang malaking investment scam sa bansa, patungong Denmark

TUMAKAS na papuntang Denmark ang ilang opisyal ng isang malaking investment scam sa bansa.

Ito ang ibinulgar ni PBA Party-List Rep. Jericho “Koko” Nograles sa panayam ng SMNI News at Sonshine Radio.

Aniya, kasabay ng mandato ng pangulo laban sa mga scammer ay lumipad patungo sa ibang bansa ang mga ito.

“Saturday ng madaling araw na lumabas po sa show, naging special guest po si President Rodrigo Roa Duterte sa show ni Pastor Apollo Quiboloy, I think within a few hours marami sa mga officers ng isang malaking investment scam ang lumipad at umalis ng bansa, at dumiretso pa sa Denmark. Mino-monitor na po sila ng ating mga intelligence agent pati ng Interpol,” ayon sa pahayag ni Nograles.

Ayon kay Nograles, sumibat ang mga ito dahil alam nilang huhulihin na sila kasunod ng arrest orders ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagsasaliksik ni Nograles, mula 2018 hanggang 2019 napag-alam niyang may mahigit 100 iligal na investment scam sa bansa kabilang na ang KAPA Community Ministry at Organico.

Dagdag pa ng mambabatas, ang hindi wastong aplikasyon ng Securities and Regulations Code ang pangunahing violation ng mga ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *