PDEA high value target
National

Ilang mga miyembro ng media, artista, at pulitiko, PDEA high value target

MALIBAN sa mga pulitiko at artista, ibinunyag ni Philippine Drugs Enforcement Agency  o PDEA Director General Aaron Aquino na may mga miyembro ng media ang kabilang sa kanilang high value target list.

Sinabi ni Aquino na hindi basta-basta at sa halip ay maituturing na malalaking pangalan sa larangan ng pamamahayag ang mga media personality na kasama sa HVT.

Ayon kay Aquino, hindi user kundi nagsisilbi ang mga nasabing media bilang protektor sa mga high value target ng PDEA.

Sinabi ng PDEA chief na nabibilang ang mga ito sa tri-media na ang ibig sabihin ay mayroon nasa broadcast, print at online industry.

Ibinulgar din ni Aquino sa pulong balitaan na aabot sa mahigit labing dalawang libo ang kasama sa kanilang listahan ng high value target kabilang dito ang ilang local chief executives na karamihan ay barangay officials at mayroon ding mga kongresista.

Ilang din aniyang mga opisyal ng PDEA, Philippine National Police (PNP) at militar ang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *