election honoraria
Metro

Ilang mga guro, hindi pa nakakatanggap ng election honoraria

May mga lugar pa raw sa National Capital Region (NCR) kung saan ang mga guro na nagsilbi bilang Board of Elections Inspectors (BEI) at tellers noong Barangay and SK elections ang hindi pa natatanggap ang kanilang election honoraria.

Sa pagtaya ni ACT-Teachers Rep. France Castro, ang mga guro mula sa San Juan at Valenzuela City ay hindi pa nakakatanggap ng benepisyo.

Ani Castro, dapat maibigay na sa mga guro sa NCR ang kanilang honoraria dahil sa mas malapit ito sa tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC kaysa sa ibang mga rehiyon.

Bukod sa nabanggit na lugar, ang mga guro din aniya mula sa Region 12, 9 at Cebu City ay hindi pa umano nakatatanggap ng kanilang travel allowance.

Samantala, nakukulangan naman si Castro sa 50,000 na legal indemnity fund na ibibigay ng COMELEC sa mga gurong makakasuhan dahil sa eleksyon.

 Kaya naman ay nananawagan ang ACT-Teachers sa benipisyo ng mga guro sa eleksyon bukod pa sa hinihinging legal indemnity fund health assistance sa mga ito.

Sa May 29 naman ng ikalabing-limang araw matapos ang eleksyon at base sa batas, sa pagpatak ng araw na iyon ay dapat naibigay na ang eleksyon honoraria ng mga guro.

Samantala, wala pa namang tugon ang Department of Education at ang COMELEC sa nasabing usapin.

 

Ulat ni MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *