Ilang mga bilanggo sa Ecuador, pinalaya na ng gobyerno

Ilang mga bilanggo sa Ecuador, pinalaya na ng gobyerno

PINALAYA na nang gobyerno ang ilan sa mga bilanggo sa Ecuador matapos ang sunod-sunod na kaguluhang nag-uwi sa pagkasawi ng 300 katao sa kulungan.

Dahil sa 30% ang taas ng bilang ng mga bilanggo sa Penitenciaria del litoral kumpara sa kapasidad nito ay pinalaya ni Ecuadorian President Guillhermo Lasso ang mga ilan sa mga nakakulong rito kaugnay na rin sa ilang magkakakasunod na riot incident sa loob ng bilibid.

Sa isang Press conference ay sinabi ni Lasso na pinalaya nito ang mga nasangkot sa prison riot at ang mga may mga malalang sakit, ngunit hindi nito inihayag ang eksaktong bilang ng pinalaya.

Ilan sa mga itinuturong dahilan ng mga eksperto sa naging dahilan ng kaguluhan sa kulungan ay ang mga kakulangan sa rehabilitation program, mga trained staff, at maging ang mga seguridad sa loob ng bilibid.

Dagdag pa rito ay plano din ng pamahalaan na pauwiin ang 170 Colombian prisoners sa bansa nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *