tubig
Metro

Ilang lugar sa Mandaluyong, Pasig at Quezon City, mawawalan ng tubig simula bukas ng hating gabi

AABOT sa 60, 000 kabahayan, commercial at business establishments sa 18 barangay ang pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig.

Kabilang sa mga barangay ay nasa sa Mandaluyong, Pasig at Quezon City.

Ayon ng Manila Water, magsisimula ang water interruption ng 12:00 ng hating gabi ng Oktubre 25 hanggang 4:00 ng madaling araw.

Ito ay dahil sa gagawing leak repair activities sa EDSA corner Shaw Boulevard.

Kabilang sa mga apektadong barangay sa Mandaluyong ay ang Mauway, Highway Hills, Malamig, Wack-Wack, Greenhills East, Buwayang Bato.

Gayundin ang Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Barangka Ibaba, Barangka Drive at Hulo.

Sa Pasig ay ang mga barangay Ugong, Orando, Pineda, Bagong Ilog, Kapitolyo at San Antonio.

Habang sa Quezon City ay ang barangay Ugong Norte.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *