pasok sa mga eskwelahan
National

Ilang lugar sa bansa, suspendido ang pasok sa mga eskwelahan

SUSPENDIDO pa rin ngayong araw Agosto 9, ang pasok sa mga eskwelahan sa ilang bahagi ng bansa.

Ito ay dahil pa rin sa masamang panahon na dulot ng hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Hanna na ngayon ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.

Kabilang sa mga walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila ang Taguig City, Pasay City, Quezon City, Manila City, Marikina City, Malabon City, Navotas City, Mandaluyong City, Valenzuela City, Pasig City, Parañaque City, Las Piñas, Muntinlupa City, San Juan City, at Caloocan City.

Wala ring pasok sa lahat ng antas sa Rodriguez at San Mateo sa Rizal, Calumpit, Bulacan, at Bataan.

Wala naman pasok mula pre-school hanggang senior high school, public and private sa Iloilo City, Urbiztondo at Mangatarem, Pangasinan.

Preschool naman ang idineklarang walang pasok sa Baguio City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *