Ilang lugar, nagdeklara na rin ng community quarantine

Ilang lugar, nagdeklara na rin ng community quarantine

MALIBAN sa Metro Manila, marami na ring iba pang mga bayan, lungsod at lalawigan ang nagpatupad ng “community quarantine” sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang sa nagpatupad ng “community quarantine” sa Region 1 ay ang Ilocos Norte at Ilocos Sur; sa Region 2 ay ang Batanes at Calayan, Cagayan; Region 3 ay ang Aurora Province: sa Region 4-A ay sa Batangas, Cainta Rizal at Tagaytay; sa Region 4B ay ang Oriental Mindoro, Marinduque, Puerto Princesa, Palawan, El Nido Palawan, Coron Palawan, Magsaysay Palawan, Araceli Palawan, San Jose Occidental Mindoro, Baliangao Misamis Occidental, Panaon Misamis Occidental, San Agustin, Romblon, Calatrava Romblon, Odiongan Romblon, Ferrol Romblon, Looc Romblon, Alcantara Romblon, Maria Romblon, Fe Romblon at Corcuera, Romblon.

Naka-community quarantine na rin ang Antique, Iloilo Province kasama ang Iloilo City, Bacolod City at Roxas, Capiz; Bohol at Cebu Province kasama ang Cebu City; Borongan, Eastern Samar at Ormoc, Leyte; Zamboanga City; Camiguin at Cagayan de Oro City; Davao City, Panabo City, Davao del Norte at Davao del Sur; Nasipit, Agusan del Norte at Siargao Islands; Cordillera Administrative Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Matatandaang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa community quarantine ang Metro Manila simula Marso 15 hanggang Abril 14 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *