transgender
Showbiz

Ilang local stars, umalma sa insidente ng diskriminasyon sa isang transgender

NAGPAHAYAG ng kani-kanilang pagsuporta ang ilang showbiz personalities sa transgender woman na nakaranas ng diskriminasyon sa isang mall sa Quezon City.

Sa social media, mariing kinundena ng ilang local celebrities ang naganap na pagpapalabas ng isang janitress sa transgender woman na si Gretchen Diez na nagtangkang gumamit ng palikuran ng pambabae.

Kabilang sa nagbigay ng kanilang suporta ay sina Miss Universe Catriona Gray na nagbahagi ng kaniyang larawan na may hawak ng LGBT rainbow flag.

Gayundin si dating Miss Universe Pia Wurtzbach na nag-post naman ng litrato ng ginger bread boy na isang halimbawa ng nakaranas ng matinding diskriminasyon.

Ilan pang local stars na nagpaabot ng kanilang suporta ay sina Erich Gonzales, Heart Evangelista, Frankie Pangilinan, Ice Seguera at Bianca Gonzales.

Magugunitang inulan ng batikos ang naturang mall at empleyado nito dahil sa ginawang diskriminasyon sa miyembro ng LGBT.

Humingi naman na ng paumanhin ang may-ari ng mall kay Gretchen at tiniyak na pangangaralan ang mga tauhan nito.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *