kumpanya ng langis
Business

Ilang kumpanya ng langis, magpatutupad ng katiting na bawas-presyo

MAGPATUTUPAD ng katiting na rollback ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Nasa P0.10 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang P0.15 ang bawas sa kada litro ng kerosene ng mga kumpanyang Shell, Seaoil, Caltex.

May kapareho ring rollback sa presyo ng gasolina at diesel ang mga kumpanyang Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Total.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng mga nasabing kumpanya, alas 6:01 ng umaga bukas maliban lang sa Caltex na alas 12:01 magpapatupad ng bawas-presyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *