House Bill 8691
National

Ilang kasunduan ng Pilipinas at China, lalagdaan sa pagbisita ng pangulo sa China

LILIPAD si Pangulong Rodrigo Duterte sa August 28 patungong Beijing China hanggang Setyembre 1 para sa kanyang ikalimang pagbisita.

Ang biyahe ng pangulo ay dahil na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na kung saan ay magkakaruon ng bilateral meeting ang dalawang lider.

Kaugnay nito’y inihayag ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje na wala namang naka-schedule na one- on -one meeting sina Pangulong Duterte at ng kanyang counterpart.

Ito na ang magiging ikawalong pagpupulong nina Pangulong Duterte at ni President Xi na dito’y inaasahan ding ilang kasunduan at memorandum of understanding ang lalagdaan.

Ilan dito ayon kay DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre ay ang agreement na may kinalaman sa education, science and technology, economic at social development.

Inaasang matatalakay sa bilateral meeting ng dalawang presidente ang tungkol sa pagpapalakas pa ng functional cooperation at mutual interest ng Pilipinas at ng China.

HANNAH JANE SANCHO 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *