Ilang guro, nawalan ng P26-121K bawat isa dahil umano sa bank hacking

Ilang guro, nawalan ng P26-121K bawat isa dahil umano sa bank hacking

ITINANGGI ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) may hacking na nangyari sa kanilang sistema.

Ayon sa LANDBANK, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, ang device ng mga guro, at ang kanilang personal information ay nakompromiso sa pamamagitan ng tinatawag na phishing.

Batay sa ulat, ang mga guro ay nawalan ng P26,000 hanggang 121,000 matapos umanong ma-hack ang mga LANDBANK accounts.

‘Nanakaw’ umano ang kanilang pera matapos itong i-transfer mula sa kanilang LANDBANK payroll account sa ibang bangko o electronic wallets.

Ang perang nawala sa bawat guro ay mula sa kanilang regular na sahod at holiday bonus hanggang sa lifetime savings ng mga ito.

Nakipag-ugnayan na rin ang bangko sa mga apektadong kustomer at sa Department of Education (DepEd) at tiniyak na gumagawa na ng solusyon hinggil dito.

Follow SMNI NEWS on Twitter