barangay sa Quezon City
Metro

Ilang barangay sa Quezon City, cleared na sa ASF

CLEARED na ang ilang barangay sa Quezon City na natukoy na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilang sa cleared na sa ASF ang mga Barangay Tatalon, Tandang Sora at Pasong Tamo.

Inaasahan naman na agad na madadagdag sa nasabing listahan ang Barangay Silangan.

Sinabi ni Belmonte na may huling batch na lamang silang iku-cull sa Bagong Silangan na matatapos ngayong araw.

Habang, posible naman aniyang matagalan pa na madeklarang ASF-free ang Barangay Payatas dahil nasa 2, 000 pang baboy ang dapat patayin.

Sa unang ulat ng barangay officials, nasa 1500 hanggang 2,000 ang hog population sa barangay Payatas pero nasa kabuuang 3,065 na baboy na ang napatay hanggang noong Oktubre 7.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *