suplay ng tubig
Metro

Ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite, makararanas ng kawalan ng suplay ng tubig ngayong Semana Santa

MAKARARANAS ng kawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite sa Holy Week.

Ito ay dahil sa isasagawang Water Network Enhancement Activities ng Maynilad.

Kabilang ang facility maintenance works, pipe decommissioning, pipe interconnections at valve replacements.

Magsimula ito sa Martes, Abril 16 hanggang sa Abril 20, araw ng Sabado.

Layunin ng maintenance works na mapagbuti ang water service ng kumpanya sa West Zone.

Kabilang sa mga apektadong lugar ng water interruptions ay ang ilang bahagi ng Maynila, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City.

Maging ang Parañaque, Pasay, Las Piñas at Bacoor sa Cavite.

Hinihikayat ang mga maaapektuhang customers na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang nakatakdang water interruption.

May naka-standby naman na 40 water tankers para maghatid ng suplay ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Humingi ng paumanhin at pang-unawa ang kumpanya sa kanilang customers.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *