Ilang bahagi ng bansa
National

Ilang bahagi ng bansa, makaranas ng pag-uulan ngayong araw

SA lagay ng panahon, apektado ng frontal system, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at thunderstorms ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan Group of Islands dahil sa frontal system.

Ganito rin ang mararanasan sa Eastern Visayas, Palawan at Mindoro provinces na bunsod naman ng ITCZ.

Posible naman ang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa lalo na sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Dahil sa tatlong weather systems ay pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng flash floods at landslides.

Wala namang na-monitor na Low-Pressure Area ang Weather Bureau sa bisinidad ng Philippine Area of Responsibility.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *