nakaranas
International

Ilang bahagi ng Australia, nakaranas naman ng matinding pagbaha

MATAPOS ang naranasang matinding bushfire sa Australia ay nakaranas namang ng matinding pagbaha ang syudad ng Sydney sa loob ng apat na araw dahilan upang mawalan ng kuryente ang nasa 100,000 libong kabahayan.

Sa kabila nito ay maraming bushfires ang naapula sa buong Australia habang napuno naman ng mahigit 300,000 megalitres ng tubig ang Warragamba Dam sa New South Wales at mahigit 500,000 megalitres naman ang naitala sa lahat ng catchments sa Sydney matapos ang ilang buwan ng tagtuyot.

Nasa 31 bushfires ang naglalagablab ngayon sa New South Wales bagama’t hindi ito itinuturing na mapanganib sa ngayon.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *