kumpanya ng langis
National

Ilan pang kumpanya ng langis, nagpatupad ng big time rollback

HUMABOL sa malakihang bawas-presyo sa ilang produktong petrolyo ang ilang mga malalaking kumpanya ng langis.

Nagtapyas ng P1.10 sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanya ng Shell, Petro Gazz at PTT Philippines.

Nasa P2.30 sa kada litro ng diesel ang bawas-presyo habang P2.10 naman sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang naturang rollback kaninang alas 6 ng umaga.

Samantala, ang Caltex naman ay nagpatupad ng kaparehong bawas-presyo sa gasolina at diesel kaninang hating gabi.

Una namang nagpatupad ng kaparehong rollback ang kumpanyang Phoenix Petroleum, Jetti, at Seaoil simula noong Sabado ng tanghali.

Ang naturang big time rollback ay epekto pa rin ng patuloy na pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Panawagang ibaba hanggang P36/litro ang presyo ng diesel, itinutulak

ITINUTULAK ngayon ng asosasyon ng mga pampublikong jeep Sa Quezon City na ibaba pa sa P36 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Matapos ang ikapitong sunud-sunod na oil price rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Bagaman ikinatutuwa nila ang pagbaba ng presyo ng gasolina ay hindi pa ito sapat sa kita ng mga jeepney driver ng kanilang asosasyon.

Ito ang sinabi ni Romeo Pascua, presidente ng UP-Pantranco Jeepney Operators and Drivers Association.

Giit ni Pascual hindi pa sila nakakabawi sa malaking kita na nawala sa kanila mula ng ipatupad ang mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Kaya naman malaking bagay para sa kaniya ang ginagawa aniya ng mga oil companies.

Kaugnay sa pagtulong ng mga ito sa kanilang mga tsuper lalo na sa mga mahihirap na mamamayan.

Sa ngayon nasa P400 palang ang regular na naiiuwi nila sa kanilang mga tahanan mula sa magdamagang hanapbuhay.

Umaasa ang grupo na magtutuloy- tuloy ang programa para sa kapakanan ng kanilang mg tsuper at sa iba pang asosasyon.

Sa ngayon, umabot sa P2 ang rollback na tinatamasa ng mga dyipni drayber.

At hiling ng mga ito na sana ay magtuloy-tuloy pa hanggang sa susunod na mga panahon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *