Ilan pang kumpanya ng langis
Business

Ilan pang kumpanya ng langis, nag-anunsyo ng kanilang bawas-presyo

NAG-anunsyo na rin ngayong araw ang ilan pang kumpanya ng langis ng kanilang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng kumpanyang Shell at Caltex, matatapyasan ng P0.80 ang kada litro ng gasolina habang piso sa kada litro ng diesel.

P1.15 naman ang bawas-presyo ng kada litro ng kerosene.

Epektibo naman ang naturang bawas-presyo bukas ng 6:00 ng umaga.

Inaasahan na mag-aanunsyo rin ng kanilang bawas-presyo ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Una namang nagpatupad ng oil price rollback ang kumpanyang Cleanfuel stations at Phoenix Petroleum Philippines nitong weekend.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *