nawawalang mga estudyante
National

Ikalawang pagdinig kaugnay sa nawawalang mga estudyante, umarangkada

MULING umarangkada ngayong araw ang ikalawang pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y nawawalang mga estudyante matapos ma-recruit ng makakaliwang grupo.

Pinangunahan ang pagdinig ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasama si Senador Panfilo Lacson na dating chairman ng nasabing komite.

Humarap sa hearing ang ilang rebel returnee para patunayan na may nagaganap na recruitment sa mga paaralan.

Ayon kay Nancy Dologuin na dating rebelde, na-recruit umano siya ng mga militanteng grupo nung kanilang kabataan hanggang naging kasapi ng NPA at nag-armas laban sa gobyerno.

Sinabi naman ni Alvin Turero na dating rebelde at recruiter na ginagamit niyang pang-enganyo ang scholarship para sa kanyang mga nare-recruit.

Madali rin aniyang ma-recruit ang mga kabataang may galit sa magulang at nais makapag-aral sa PUP at UP.

Samantala, dumalo rin sa pagdinig ang ilang magulang ng mga napaulat na kabataang nawawala, ilang lider ng mga paaralan, ilan pang senador at si NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar.

Habang nabigo naman ang mga lider ng Kabataan Partylist at Anakbayan na humarap sa pagdinig ng Senado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *