Ikalawang “Bayanihan, Bakunahan” planong isagawa sa Disyembre 15-17

Ikalawang “Bayanihan, Bakunahan” planong isagawa sa Disyembre 15-17

PLANO ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na isagawa ang second round ng “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination days sa Disyembre 15 hanggang Disyembre 17.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi pa naisapinal ng IATF-EID ang nasabing proposal ngunit kinokonsidera nila ang nasabing mga petsa dahil na rin sa nakaambang panganib ng Omicron variant ng COVID-19.

“We’re also considering another round of vaccination days for December 15,16,17. Although we’re still finalizing that. But the reason for all of this is again to add (to) the defense against Omicron and whatever variants there are,” pahayag ni Nograles.

Aniya, nasa IATF at National Vaccines Operation Center (NVOC) kung gaganapin man o hindi ang pangalawang bahagi ng national vaccination days.

Sa kabila na hindi naabot ang target ng unang araw ng national vaccination day, tiwala pa rin si Nograles na tataas pa ang bilang sa susunod na araw.

Target ng “Bayanihan, Bakunahan” na mabakunahan ang siyam na milyong indibidwal sa 8,000 vaccination sites sa buong bansa.

Nagsimula ang National Vaccination Day nitong Lunes, Nobyembre 29 at magtatapos bukas Disyembre 3, 2021.

Una nang target ng pamahalaan na ganap na mabakunahan ang 54 milyong Pilipino sa katapusan ng taon mababa sa orihinal na plano nito na 77 milyon katao o 70 porsiyento ng 110 milyong populasyon ng bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *