ni Dr. Jose Rizal
National

Ika-158 kaarawan ni Dr. Jose Rizal, ginugunita ngayong araw

PINANGUNAHAN ni National Parks Development Committee Executive Director Penelope Diaz-Belmonte ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila.

Ito ay kasabay ng paggunita ng ika-158 kaarawan ng Pambansang Bayani ngayong araw, Hunyo 19.

Kasama rin ni Belmonte ang mga kawani ng NPDC at nandito rin ang ilang grupo gaya ng mga Rizalista at Knights of Rizal.

Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang.

Samantala, isang programa naman ang isinasagawa ngayong hapon sa Luneta bilang pagpupugay pa rin sa Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *